TATA ADDS

Friday, August 28, 2009

XIAN LIM MANGAGAMIT


Mahinahon na sinagot ng Fil-am hunk na si Xian Lim ang mga issue na naglabasan against him sa isang website na nagsasabing isa siyang “compulsive liar” at ginagamit lamang umano si Erich Gonzales, ang kanyang kasama na bida sa upcoming teleserye na Katorse sa ABS-CBN. Humarap siya sa ABS-CBN.com upang maibigay ang kanyang side of the story.

Ang e-mail ay nanggaling umano sa sister ng ex-girlfriend ni Xian. Unang isyu na binabato kay Xian ay ang kanyang pangako umano sa kanyang ex-girlfriend sa States. Si Xian ay isang Fil-Am na bumalik sa Pilipinas upang mag-aral. Ayon sa e-mail, pinangakuan daw niya ang kanyang ex-girlfriend na siya ay manatiling faithful at babalik matapos ang pag-aaral ni Xian sa Pilipinas. “We met in 2004 in Daly City, California. Tumagal ito ng four years. Hindi totoo na umalis ako ng bansa without closure. Nag-break kami last May 2008...maliwanag na nag-break kami nung umalis ako ng States”, Xian recalls. “When I got here, I was even trying to call her but her family is preventing her to from talking to me.”

Kwento ni Xian, lumabas na ang issue na ito noon nung ni-launch siya sa Your Song Presents…My Only Hope. Naiintindihan raw ito ni Xian at mas gusto na lang mag-focus na lamang sa kanyang pag-arte at pag-aaral. Malapit na malapit na kasing ipalabas ang teleserye nila ni Erich, kasama ang PBB Teen Big Winner na si Ejay Falcon at tuloy-tuloy ang kanilang pagtetaping ngayong Hunyo. “I just want to make it clear to everyone na hindi ako ganoong klaseng tao…lalong-lalo na nasasama ang pangalan ni Erich. I was given an opportunity by ABS-CBN to be in Katorse and I would like to learn more pa from workshops and from the mentoring of our Director Malu Sevilla. Napaka “patient” niya sa amin lalo na sa akin na newbie pa lang.” ang sabi ni Xian.

No comments:

Post a Comment