TATA ADDS

Friday, August 28, 2009

XIAN ILANG KAY ERICH

Kung noong una ay medyo alangan pang magkwento si Erich Gonzales tungkol sa panliligaw sa kanya ng kanyang Katorse co-star na si Xian Lim, in the end ay napaamin din siya ng ABS-CBN.com na todo ang pagsuyo ng binata sa kanya ngayon lalo na kapag magkasama sila sa set. “I mean he's very mabait. I don’t think sa akin lang siya ganon. Ayoko mag-assume or anything. Basta hindi siya mahirap magustuhan. Sobra siyang thoughtful, very sweet, caring talaga. He always asks me, ‘How are you? Ok ka lang ba? Do you need anything?’ For someone na mag-care sa iyo ng ganyan, sobrang masaya at nakakainspire talaga.”


Kahit na sa States nanirahan si Xian for the most part of his life, natuklasan ng pretty DavaoeƱa na tila swak na swak ang ugali nilang dalawa. “It’s so amazing lang na makakakita ka ng ganong klaseng tao. Na sobrang in many ways super alike kayo. Yung mga ayaw mo pareho din kayo. The best thing about is that kapag kasama ko siya I can just be myself. Alam mo yung walang pretensions na I have to be like this kasi baka ma-turn off siya. As in nakita niya yung natural side of me, kahit magulo yung hair ko or bad trip ako, nakita niya lahat yun,” pag-amin ni Erich.

As a matter of fact, makailang beses na rin silang lumabas kasama ng kanilang friends or ang kapwa co-star nilang si Ejay Falcon. “Yun isa pa yung sa pareho kami, yung sa pagkain. Pero hindi naman kami lumalabas ng kami lang, siyempre kasama namin si Ejay na nagbo-bonding para pagdating sa set wala ng hiya-hiya. O kaya minsan with our other friends, parang group date, ganon.”

Tinanong rin nami
n siya tungkol sa very symbolic bracelet na ibinigay ni Xian sa kanya at inamin niyang nagulat talaga siya and natuwa at the same time noong ipaliwanag nito ang meaning ng bawat precious stone sa kanyang bracelet. “Yes, in-explain niya sa akin yung sa bracelet. Sabi ko sa kanya, ‘Serious ba yun?’ Oo daw. Tsaka in-explain niya yung meaning ng Mandarin doves na part nung lucky charm na parang kapag nakita mo na yung ‘The One’, kapag nawala ‘di ka na makakapag-move on. Parang soulmates nga daw. Sabi ko talaga, ‘So binibigay mo sa akin?’ Sabi naman niya, ‘Yes, I want you to have this.’ Ang sweet niya,” dagdag pa ng dalaga.

Pero hindi ibig sabihin n
ito ay madalian siyang papasok sa isang seryosong relasyon dahil aminado ang dalaga na ang kanyang blooming showbiz career at studies ang focus niya ngayon. Sa huli, ay ipina-rate na lang namin on a scale of 1 to 10 kung gaano kalaki ang chance na sagutin niya si Xian. “Siguro at this point mga 7 kasi kailangan pa naming mas kilalanin ang isa’t isa ‘di ba. Since every time na magkasama kami, wala masaya lang. We're just enjoying each moment and we’ll see where it leads us. Hindi naman kami nagmamadali. Lagi naming sinasabi na kung something’s bound to happen, it will happen. Hindi na namin kailangang planuhin ang dapat mangyari. Of course, gusto ko rin na ma-meet niya yung mom ko pero unfortunately nasa Davao siya ngayon. Pero soon I hope magkita na rin sila.”


No comments:

Post a Comment